Thursday, July 9, 2015

Day Dreamer

Naniniwala ka ba sa concept ng "LOVE"? Ako oo, day dreamer na kung day dreamer, ambisyosa na kung ambisyosa pero wala akong magawa e, certified HOPELESS ROMANTIC ako.

Alam ko sa sarili ko na balang araw makikilala ko rin yung tinatawag ko na "the one". Si "the one" ay yung lalaki na magbibigay ng saya sa akin, nang ngiti sa puso ko at siya yung papawi sa lahat ng sakit na pinagdaan ng puso ko, at siya dun ung magbibigay sakin ng walang hanggang pag unawa at pagmamahal. Sabi nila yan yung taong di nag e-exist, pero sakin, bilang hopeless romantic, naniniwala ako na dadating siya, ang buhay na siya. Katwiran ko naman kasi, hindi ako humihiling nang perpektong lalaki, ang sakin lang naman, ung makakapag pasaya sakin tulad ng pangarap ko at makakaunawa sa akin nang higit pa sa iniisip ko, naniniwala ako na may lalaking ganyan.



Dati rati hindi ako kinikilig sa mga love stories, romantic movies, wala akong concept nang taong pangarap kong makasama habang buhay. 

May boyfriend ako ngayon, ang nakakapagtaka roon ay ngayon din ako nagsimulang magkaroon ng concept sa lalaking pangarap kong makasama, at higit sa lahat na nakakapagtaka, alam ko sa sarili ko na ibang lalaki iyon, hindi ang boyfriend ko ngayon.

Naguguluhan nga ako e, masyado na atang sinasakop ng Hopeless Romantic imagination ko yung sarili ko, pati damdamin ko. Hindi ko alam ang dahilan, pero baka maaaring dahil na rin sa mga sakit na nararanasan ko sa boyfriend ko ngayon, sa mga sugat na ibinibigay niya sa puso ko, dahil siguro doon kaya nabuo yung konsepto ko sa lalaking aking pangarap.

Umaabot pa nga sa punto na napapanaginipan ko yung lalaking iyon, iba-iba ang physical appearance pero iisa lamang yung pakiramdam kapag kasama ko yung lalaking iyon sa panaginip ko. Hanggang sa aking pag gising ramdam ko ang kakaibang pakiramdam sa puso ko, masaya, magulo, intense at gusto ko ulit maranasan. Mas madalas kong napapanaginipan si "the one" pagkatapos ko magbasa ng mga love stories sa FEUSF. Ang gaganda ng mga istorya roon, talaga namang papangarapin mo na magkaroon ng ganoong klase ng boyfriend at mapapangasawa. Masyadong malayo yung itsorya ng love life ko ngayon sa mga istorya ng ibang tao, kaya naman malakas ang paniniwala ko na makakakilala ako ng taong hinding hindi ako papaiyakin gabi gabi.


Oo, na HOPELESS ROMANTIC na, naniniwala kasi ako na sasaya din ako, na mawawala lahat nang sugat at pilat sa puso ko.

No comments:

Post a Comment