Monday, July 20, 2015

HATRED

Magkaibigan kami since 2nd year college, nasa iisang grupo kami ng magkakaibigan, kilala ko siya as a guy na clingy sa mga babae at maraming babae, yung guy na madaling ma-fall in love sa babae, Noong 3rd year na kami sa college, medyo naging close kami, madalas nagkakatext at magkateam sa kahit anong pair or group activity, hanggang sa dumating yung punto na he asked me out at pumayag naman ako. Hindi ko alam na sa paglabas namin na iyon, tatanungin na niya ako kung pwede niya akong maging girlfriend. Matagal akong sumagot, nasurpresa ako at hindi ko talaga alam isasagot ko, for the fact of who he is from what I know who he was, at hindi ko pa siya ganoon kakilala, at higit sa lahat, he's against what I know I want from a guy.

Days before na ayain niya ako lumabas, I asked my closest friend about us, sabi ko sa kanya, may nararamdaman ang puso ko pero ayaw ng isip ko dahil alam ko na hindi ako komportable sa ganoong klase ng lalaki. Ang sabi sa akin ng kaibigan ko bigyan ko daw ng pagkakataon. Ako naman itong si tanga, binigyan ko nga nangpagkakataon, sinagot ko yung lalaking iyon sa kabila ng mga pagbibigay babala sa akin ng mga tunay na nakakakilala sa kanya,

Unang buwan namin masaya, wala namang problema, nagtampo lang ako noong first month namin kasi hindi niya ako binati. 2-3 months kami na may kaunting away pero maliliit lang, hanggang sa nalaman ko na sa mga karoom ko, tanung siya ng tanong kung nasaan na ako, nakauwi na ba ako, may ginagawa na ba ako, etc. Napansin ko yun nung nagpaalam ako na pupunta ako sa market dahil may bibilin ako, nagduda siya noon, napansin ko yun, hanggang sa sinabi ko na sa kanya na alam ko yung mga ginagawa niya na pagtetext sa karoom ko. Naghihinala siya noon na may kikitain ako sa market kaya out of the blue ay naisip ko na pumunta ng market, ang tunay na pakay ko ay bumili ng pagkain, para makapag pabarya, 7php lang kasi ang pamasahe pauwi pero 1000php ang pero ko.

Sinabi ko sa kanya na ang foundation ng relationship ay trust at understanding pero hindi niya iyon maibigay sakin, kaya kung hindi niya ako kayang pagkatiwalaan ay maghiwalay na lang kami, dahil masasayang oras namin, Sinabi naman niya na ibibigay niya yung tiwala, Pumayag ako na bigyan iyon ng pagkakataon.

Sira ang pagtitiwala niya dahil sa babae niyang "bestfriens" na kalandian, niloko siya nito. Pinamuka ko sa kanya na hindi ako yung bestfriend niya! Tangina.

Nagpatuloy relasyon namin, hanggang sa isang araw naisip ko, bakit masyado siyang mapaghinala? Bakit lagi niyang iniisip na may gagawin akong masama sa kanya? Na lolokohin ko siya? Hindi na kasi tama yung security na ibinibigay niya, nakakapangduda na rin, Binuksan ko ang fb niya, nakita ko ang dahilan, ka-chat pa rin niya ang MGA ka-MU niya dati at kung sinu-sino pang MGA babae. Simula noong araw na iyon, naghigpit na ako sa kanya.

Naglalaro ako ng COC noon dahil bakasyon at walang magawa, ilang linggo lang pasukan na ulit at naglaro din siya noong laro na iyon. Nasa isang clan kami na wala kaming kakilala, biniro ko siya sa chat pero ginawa niya iyong masamang biro hanggang sa ipinahiya niya ako sa clan. Umalis ako ng ilang linggo at bumalik rin, wala akong pakialam kung may nakilala na siyang ibang babae dun, Ilang araw pa lang ng pagbalik ko, umalis ulit ako, ipinahiya ulit ako. Gumawa kami ng clan na magkakaklase, kaming dalawa ng lalaking iyon ang namumuno, dahil kaunti lang kami, nag-aya kami ng mga hindi namin kakilala. In order to keep the clan alive and to make the players stay on us, nakikipagjammingan ako sa clan chat hanggang sa nagalit siya dahil dun, mahilig daw ako makipagchat, unfair daw ako at lalakero, Pinamumuka niya sakin na sobrang unfair ko. Ode umalis ulit ako sa clan, pagbalik ko, wala na yung clan, watak watak na. Pero sa ilang linggo pagkawala ko, masaya siya nun, kasi naabutan ko pa na may mga chat siya dun, sa babaeng isa rin sa ka-MU niya at binebestfriend niya nung simula pa lang namin, TANGINA diba?

Yung maliliit na bagay, lumalaki samin, hindi siya marunong magsabi ng "SORRY", hindi rin siya umaamin sa pagkakamali niya, hindi rin niya tinatanggap na may mali siya at higit sa lahat, lagi niyang sinasabi na WALA siyang ginawang mali. TANG INA lang talaga no?!?!?

Ang higit na ikinagulat ko at ikinalulungkot ko, gumaganti siya, siya man o ako ang may kasalanan, gumaganti siya basta nagaway kami. At ang pang ganti niya: BABAE! DAMN SHIT!

Isang beses, nagalit ako ng sagad sa kanya, nakipag break ako, 2 araw kami na walang commincation noon, pero after 2 days, kami na ulit, Ilang araw matapos maging kami ulit, nakita ko sa facebook niya na madami na naman nakachat, at NAPAKARAMING babae ang ini-add at stalk niya sa facebook. Tinanong ko siya tungkol doon, alam nyo ba ang kaputang inahang sagot niya? "GANTI KO IYON SA IYO." Dahil sa nakipagbreak ako sa kanya noon. Sinabi ko sa kanya na sana igalang niya ang naging relasyon namin, may three months rule na tinatawag.

PUTANG INA TALAGA NIYA.

Huling away namin, nagalit siya dahil nagfollow ako ng isa kong crush, hanggang sa nauwi sa away, sabi niya magrereply siya sa nagchat sa kanya (for his revenge, demonyo talaga di ba?). Sumagot ako na sige lang, dyan ka masaya, sana hindi mo pagsisihan yan. Tapos away at away ulit hanggang sa sinabi ko na magrereply din ako sa mga nagchat sakin at sabi niya, kapag nakipagchat ako break na kami. Pumunta agad ako sa facebook ko at pinalitan ang password ko, ilang sandali lang nagtext siya at sinabing pinalitan ko pa daw talaga password ko, sinagot ko siya: talaga para intense, ganti ko rin yan sayo, ikaw pag gumaganti ala na sa linya, so ako rin.

4 na araw na walang communication, hanggang sa nagkatext ulit kami at sinabi niya na tapos na kami dahil nakipagchat ako. Well, the fact is, hindi ako nakipagchat noon, hindi man lang inalam ng putang inang iyon ang pangyayari. Siya nga itong ilang oras pa lang nung nag away kami, ang dami na niyang kachat, at sinabi na niya sa mga iyon ang lahat ng paninira sa akin at lahat ng negative sakin. Ramdam ko yun at halata dahil sa mga status ng mga babae niya pati sa tag sa kanya pati sa comment sa mga status ng lalaking iyon na puro kaputang inahan.

Ayon, nung break na kami, status ko puro inlove, kasi nanuod at nagbasa ako ng mga rom-com na movies, tv show, anime at stories. Sabay status ni gago ng : Akala ko ba 3 months rule? lakas ng loob magsabi ha. Tang ina talaga si gagong iyon, ni hindi inalam yung dahilan ng mga ganung status ko, Gago niya! PUTA sila ng mga PINAKA PUTANG INA niyang mga babae.

Ngayon, pride ko umiiral hindi na puso ko, masakit para sakin na ilang oras pa lang may kapalit na, And guess what? Bestfriend na sila ulit ng bitch niya! Putang ina, gusto ko silang pagumupugin.
Sa pasukan, makikita siya, sila, madalas magkasama. Tang inang mga iyon,

Tapos na kami, ginugulo pa rin niya ako, nagagalit siya sa mga shared picture ko na may quotes, tinatamaan si gago, Ang liit liit na bagay, tang ina, ipinuputok ng butsi niya! Namblackmail pa siya, bahala na daw kung kanino at anong form mangagaling yun. Basta makapanira siya!

Hindi kita deserve, bagay kayo mga puta,
Alam ko na may dadating sakin, yung malayong malayo sa nabubulok mong ugali, malayo sa mabaho mong pagiisip. TANG INA MO!
Makakahanap din ako ng GWAPO! hindi katulad mo! Panget ka na nga, panget pa ugali mo, babaero pa! Ipang hilod ko yang muka mo e! (SORRY DI NAMAN TALAGA AKO YUNG TIPO NG TAO NA MAGSASABI NA PANGET SA KAPWA AT MUMURAHIN ITO, PASENSYA NA, GALIT LANG PO TALAGA)


OO GALIT AKO, umiiyak ako sa galit habang tina-type ko to! Tang ina, ang sakit kasi ng 10 buwan tapos ilang oras ka lang, ipinagpalit ka na, sa mga babae na sinabi niya na wala na siyang feelings sa mga iyon pero ngayon, kaputahan niya ulit! Wala akong mapagsabihan, ayoko na pumanget tingin ng mga kaibigan ko sa kanya dahil lang sa side ko.

Ang hirap na kailangan mo ngumiti at magpatawa sa harap ng mga classmate na kaibigan mo dahil kilala ka nila na maloko, jolly at tawa ng tawa, pero deep inside, may dala dala ka. Sobrang bigat!

Malapit na pasukan, hindi ko alam magiging reaksyon ko pagnakita ko siya/sila.
PUTANG INA NIYO! Durug na Durog ako! Wasak na wasak! Mga pang gagago mo sakin! Kung talagang wala na, bakit binalikan mo pa ngayon at kalandian mo ulit ngayon! HAYOP KAYO!

No comments:

Post a Comment