Sunday, July 12, 2015

Hair Story

Magsisimula ako sa kwento ng buhok ko. Naturally mayroon akong straight hair, shiny at madulas pa. Then Grade 4 ako noong sinabi sakin ng mommy ko na sabihin ko daw sa lola ko na ipa-cellophane ko, hindi ko alam kung ano yun noong mga panahong iyon, ako naman itong walang alam ay sunod na lang sa mommy. Sa isang maliit na parlor ako ipinunta ng lola ko, sa taas iyon ng palengke ng bayan namin, yung parlor na yun ang usually lang nilang ginagawa ay naglilinis ng kuko at nagugupit at kulot ng buhok, hindi naman talaga parlor/salon yun na nagrerebond, cellophane, hot oil etc. Noong naka upo na ako sa upuan para i-cellophane, narinig ko pa yung nag aayos sa akin, inutusan yung isa nilang kasama para bumili ng gamot na gagamitin sa cellophane, habang naghihintay nakikinig ako sa manghuhula at sa hinuhulaan niya na nagpapa-pedicure na manghang mangha sa manghuhula dahil sa tingin ko tama lahat yung sinasabi sa kanya ng manghuhula. Makalipas ang halos kalahating oras ay nakabili na ng gamot at inayus na ang buhok ko. At lumipas ang ilang linggo pa lamang, bumuhaghag na ang buhok ko, nagkulot na siya. At pumanget na ito, sobrang lungkot ko noon, life changing yung nangyari na yun sa akin, panget na nga ako, pumanget pa yung nag iisang maganda sa akin,

Bago ako mag second year high school ay pinarebond ang buhok ko, straight na ulit siya at magandang tingan, makalipas ang siyam na buwan, napansin ko na lumalala ang sira ng buhok ko, at makalipas ang isang taon, kumulot na ulit siya at bumuhaghag. Bago ako mag-third year ay nagparebond ulit ako sa salon na medyo kilala, akala ko maganda ang gawa at ayos nila dun, pero yun yuong worst na salon na nag ayos sa buhok ko. Wala pang isang araw matapos yung pagrerebond sakin amoy na amoy ko yung sunog na buhok ko, eto pala initials nung salon na yun "OS" , Lumipas ang tatlong buwan nakita ko na talaga namang malala na ang sira ng buhok ko.  Hindi na pantay pantay ang buhok ko dahil napuputol ito at pinutputol ko dahil sa damage, yung split ends niya ay di lang basta basta na split ang dulo ng strand, split-split-split talaga, parang yung nasa walis tambo, malala yung damage noon, sobra, naging blond-yellow-kulay kalawang na nga yung dulo ng buhok ko noon dahil sa malalang damage, minsan na iisip ko nga na ipang walis na lang ung buhok ko ih, at madalas na pumpasok sa isip ko ang magpa-kalbo na lamang. Bago mag graduation nang high school, nagparebond ulit ako, so far yun yung pinakamahal sa lahat, ibang salon naman yun, ilang buwan din na straight pero after ng isang taon nagkulot at buhaghag na rin siya. Mahigit dalawang taon ko na hindi pinagalaw buhok ko, hinayaan ko na lang na buhaghag, puro sila, kulot, gulo-gulo, yung maiinggit na lang ako sa buhok ng kabayo.



Eto yung part na start ng life changing journey ko. LOL Bago ako mag third year college, nagparebond ulit ako, this time, may kasama ako, si lola, naawa na kasi siya, mag-18 na ako pero mukang basura pa rin ako, kaya pina-ayos niya buhok ko, pinaka murang rebond ko yun 800php lang, pero yuon yung pinaka magandang gawa sakin, at sa lahat nang gumawa sa buhok ko, yuon lamang yung natatanging hindi nag amoy sunog yung buhok ko. Dahil rebond lang yung at walang kasamang other treatment, i-ne-expect ko na bago mag isang taon ay bubuhaghag ulit ang buhok ko at yung sira ay ganun pa rin, Syempe ang lola ninyo, sawang sawa na sa buhay na rebond-after 1 year-rebond ulit, arrrgghhh... Humanap at gumawa na ako ng paraan para maiwasan ang pagbuhaghag ng buhok ko at pagdami ng sira nito, kaso late na noong na realize ko yun, medyo kulot na yung buhok ko sa gawing anet at bumuhaghag na rin ng kaunti ang buhok ko, pero ginawa ko pa rin yung mga na research ko.

Naliligo ako araw-araw, sa loob ng isang linggo, maximum na yung dalawang beses akong mag shampoo ng buhok, araw-araw conditioner ginagamit ko. Ang gamit kong conditioner ay cream silk, isa at kalahating sachet, kasi makapal ang buhok ko kahit hanggang balikat lang ang haba hindi sapat ang isang sachet, combination ang ginagamit ko, kulay pink at kulay blue, di kaya naman ay yung kulay pink at orange, yung pink para sa silky hair, yung blue para sa damage, at yung orange para sa dry hair. Alam ko ang problem ng hair ko, dry, not silky and so so so damage. Take note, kaya cream silk ang gamit ko dahil yun ang sulit, sa tamang presyo marami ang laman, poor kid kasi, gusto ko yung dove conditioner, di hamak na mas malambot sa buhok ko, ngunit nagkakaroon ako ng maliliit at madaming dandruff doon, sa other conditioner naman, di hiyang ang buhok ko sa kanila, Lately nadiscover ko yung pantene 3minute miracle na conditioner, napakaganda sa buhok pero mahal, kaya ngayon ang gamit ko na ay halong cream silk at pantene 3 minute miracle. Ang shampoo ko naman ay dove o kaya pantene.

After 8 months simula nung life changing rebond ko, ginawa ko yung routine sa shampoo at conditioner na sinabi ko sa taas, mas silky na ung buhok ko tapos medyo nag slow down yung pagkalat ng damage, tapos dun ko na sinimulan yung operation healthy hair ko,

Sa isang cup ng cup noodles ako naglalagay ng mga ingredients ko.
Mayonnaise, half pack (See figure below) kaya half pack dahil sa kapal ng buhok ko.
8 tablespoon ng coconut milk. Ang gamit ko ay yung gawa ng lola at mommy ko na coconut milk, ayoko nung nabibili, kahit amoy latik buhok ko, okay lang,
1 sachet ng pantene 3 minute miracle
1 dove hair vitamin
Hinahalo ko sila lalagyanan saka ko inilalagay sa buhok ko hanggang sa anet ko kasi alam ko rin na may problemas sa anet ko,
I cover them up with shower cup for at least 2 hours. Tapos binabanlawan ko na, kapag nasa bahay lang ako, tubig lang pinangbabanlaw ko, tapos kapag natuyo na siya totally oily ang hair, 16 hours bago ko banlawan ulit ng may kasamang conditioner, then BOOM! sobrang lambot na ng hair ko at di na oily that time. Kapag school days naman, binabanlawan ko yung hair ko na may gamit na shampoo at conditioner, ayaw ko lang ng oily hair kapag pagpasok at amoy latik pa dahil sa coconut oil.

Other hair care recipe
Coconut milk, half nuong cup ng cup noodles
1 sachet ng pantene 3 minute miracle
1 sachet cream silk
1 dove hair vitamin
8 table spoon coconut milk
I mix them then cover with shower cup for at least 2 hours. Ganoon din ang process ng pagbabanlaw

mayonnaise
pantene 3 minute miracle

coconut oil

dove hair vitamin

coconut milk

creamsilk


Ginagawa ko yung hair cair recipe na yan every week, salitan sila, depende sa kung ano ang availble ingredients, pero hindi ako weekly nakakapag apply dahil sa busy schedule.

Everyday, after going to bath, kapag dry na ang buhok ko, naglalagay ako ng dove hair vitamin.

After 10 months, nagdecide ako na magparebond ulit, dahil buhag na nga buhok ko at late na rin kasi ako sa operation hair care ko. Rebond yun, with hair color at syempre may hair care na sila na inapply. Ubos nga pera ko e, naiiyak ako. After 1 month tinuloy ko na ulit ung operation healthy hair, naglalagay ako nang hair care recipe every week or every other week, depende kung maluwag ang oras.

Sa ngayon, maganda naman na siya, madulas, malambot, kaunti na lang ang sira.
I will keep on sharing my hair progress. Eto na lang muna sa ngayon.
Note: di ako gumagamit ng flat iron or curler, malakas na electric fan lang, may kulay ang buhok ko, alam ko ang problema ng buhok ko at base ito sa aking experiences. Yung amount ng mga ingredients sa buhok ko ay naka ayon sa buhok ko.

Next time, I'll take a picture of my hair.

6 comments:

  1. hi ask q sana ano kya pde kongmitin s buhok q nagpputol putol ngparebond aq pero kita q agd ng nagppputol putol na inaanlawan plng nila mauubos n buhok q s pagpputol putol sis help me namn umiyak n tlga aq s nangyari s buhok q nasunog na then napputol sya pag sinuklay q

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako din po ung buhok q gnyn nguan putol putol ano ba dpt gwin :(

      Delete
  2. Hala ako din po😭 di ko na alam gagawin ko

    ReplyDelete
  3. Hi anu po dapat gawin sa nagpuputol putol na buhok tuwingvmagsusuklayvkc ako yan n mga buhok ko nagpuputol putol na kaya ayaw kuna magsuklay

    ReplyDelete
  4. Cool and I have a tremendous supply: How Much Are House Renovations Stardew Valley bungalow exterior makeover

    ReplyDelete