Sunday, July 19, 2015

Just A Day

Today, June 18, 2015, nagsimba kami, I prayed to Lord na sana huwag balutin ng sadness and anger ang heart ko. I really hate that man, a lot. Sana mawala itomg galit sa puso at isipan ko,. After ng misa, dumiretso kami sa McDonald's, ang order namin ay banana float brought to you by minions at saka fries. Sobra yung tawa ko that time kasi ang daming nangyari na nakakatawa.

Nakapila kami pero nahiwalay ako sa mga kasama ko, may isang babae na nakapagitan samin. Tapos eto namang kasama ko, nagsasalita siya, kinakausap niya nasa likod niya tapos nagtanong siya sabay lingon sa likod niya, nagulat siya nung hindi ako ang nakita niya, tapos a matter of .03 seconds siguro bago niya ako nakita and then BOOM! nanlaki yung mata niya sabay balik ng paningin niya sa harap niya at ako naman itong kunwaring nagpipigil ng tawa, hindi ko rin nakayanan tumawa na ako ng malakas, nakakahiya man or not, basta ang alam ko natatawa ako.

Naka order na kami, umupo na muna kaming mga babae sa place namin, tapos yung dalawang lalaki yung nasa cashier. Pumunta yung isa naming kasamang lalake sa aming table, tumatawa siya, tinanung namin kung bakit, tapos kinuwento niya ang nangyari. Inaabot nung umo-order naming kasama yung sukli ko sana sa babae sa likod niya, ang tagal na inaabot, hindi niya agad napansin na hindi kami yun, at yung babaeng inaabotan niya ng pera ay yun din yung babae na kinakausap nung isa naming kasama sa naunang pangyayari.

Tawa ako ng tawa ng mga oras na iyon, alam ko naman kung bakit ako ganun, hindi naman sa masaya talaga ako kaya ako tawa ng tawa. Sa tawa ko na lang siguro inilalabas lahat ng pinagdadaanan ko ngayon.

Nang makauwi kami, hindi ko alam kung bakit napagtripan naman namin na manuod ng tutorial video ng paglilipstick. Wala kasi sa aming magkakaroom ang nagma-make up. Ginaya ko naman yung nasa video kahit na lipstick and lip butter lang ang mayroon kami dito.



Gusto ko matutong mag make up, gusto kong matuto kung paano mag-ayos ng sarili, gusto kong gumanda ako kahit papaano, pero malabo iyon. Isang daang himala ang kailangan.

No comments:

Post a Comment